Kahapon habang nasa hapagkainan kami ni Lola, bago ako pumasok, nasabi ko sa kanya.
“4th year college nako pero kinakabahan padin ako sa first day of classes. HAHA”
Sabay tawa din ang Lola ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito. Kung tutuusin, unang araw sa huling taon ko sa eskwelahan ang araw na yun. ordinaryo lang yun kung tutuusin pero kinakabahan ako.
Hindi ko alam kung dahil ba yun sa posibilidad na magkaroon kami ng terror profso kaya kuripot profs tulad ni **a**e**. Hindi ko alam kung excited lang ako sa bagong looks ng mga kaklase ko. Hindi ko alam talaga kung bakit kabado ako.
Isa lang ang alam ko. Dahil last year ko na as a student, gusto ko sanang pagbutihin ng super kaduper ang pag-aaral. Goal ko maging DL sana. At sana, di ako lubayan ng kasipagan at motivation at inspiration ko. Isama na din natin ang napakaimportanteng ingredient, ang musa ko.