Magsusulat ako sa blog na ito sa lenggwaheng gusto ko. Mapa-English man o Filipino (FYI, Filipino ang main language ng Pilipinas hindi Tagalog na nakasanayan na nating sabihin sa twing tatanungin tayo kung anong lenggwahe natin) Napag-isip-isip ko kase na mas magiging natural ang pagsulat ko kung gagamitin ko ang lenggwaheng mas komportable ako sa mga panahong iyon.
At dahil ako’y isang Pinoy, hindi ko dapat ikahiya o ikatwa ang pagsulat sa wikang Filipino. May mga kaklase akong nagsasabing mahirap intindihin ang wikang sariling atin, oo may punto sila dun. May mga bagay naman kase talagang mahirap intindihin kaya natural lang yun. Ang sa akin lang, dahil isa akong Pinoy, hindi ba’t nararapat lamang na mahalin natin ang sariling atin?=)
Mapa-Pinoy man yan o Koreano, Chinese o Japanese, Mexican o American, kahit ano pang telenovela yan, bakit nga ba nanonood tayo ng mga telenovela?
1. Dahil nakaka-relate tayo sa kwento.
2. Dahil sa umaatikabong plot nung palabas, gabi-gabi inaabangan mo kung tama ang mga hinala mo.
3. Dahil gusto mong magkaron ng mga bagay na meron ang karakter sa palabas na wala ka tulad ng cellphone, malalaking bahay, magagarang kotse atbp.
4. Dahil crush mo yung isa sa mga artistang gumaganap.
5. Dahil naging extra ka dun sa palabas kaya inaabangan mo kung gano katagal ang exposure mo.
6. Dahil nakiki-simpatya ka sa kawawang bida.
7. Dahil nakakakilig ang tambalan ng mga bida.
8. Dahil wala kang magawa.
At marami pang iba…
—-
Kagabi ko pa gusto gumawa ng listahan ng mga posibleng dahilan kung bakit ako o tayo nanonood ng telenovela. Bata palang ako, mahilig na ako manood ng TV. Nakalakihan ko na ang Mara Clara, AnnaKarenNina, Mula sa Puso at kung anu-ano pa. Napupudpod na nga kadalasan ang mga numero sa remote namin dahil sa madalas na pagpindot ko nito. Mahilig din kase ako maglipat ng channel, gusto kong makita ang nangyayari sa palabas sa kabila pag commercial. Best of the both worlds kumbaga.
Ano man ang dahilan ng panonood natin ng mga palabas,wag sana nating kalimutang kumuha ng wisdom sa mga ito. Itong mga palabas na ito ay hindi lang basta pang-entertain sa atin, ito ay isang paraan din para makita natin ang realidad ng mundo na minsan ay di natin nakikita.
Bakit ma mga taong masyadong pinupuna ang kamalian ng iba?
Bakit may mga taong masyadong nagrereklamo tungkol sa buhay nila?
Hindi ba nila alam, pare-pareho lang tayong nakakaranas ng sakit, pagdaramdam at suliranin ano mang kulay ng balat o porma ng buhok natin?
Bakit ba hindi nalang nila isangtabi ang mga masasamang bagay at isipin ang pawang makakabuti sa mas nakakarami. Sa ganitong paraan, mas magiging masaya ang mundong ito. Hindi ba?
—
epekto ng panonood ng music video ni michael jackson na “Heal The World”
I was asked ‘Why are you blog titles consists of numbers?’, I answered ‘I’m quoting my bestfriend. “When your days are numbered, you tend to live your life rather fully because you might have no more for tomorrow”. ‘
I am counting the days until she gets well.
——–
Oh shoot. Bull’s eye.
Conflicts are good source of enlightenment. It gives us a chance to know the real feelings of the other party.
Kanina, nag-away kami ni Lola dahil sa di gaanonong kagandahan na pagkakatahi ng modista sa blouse uniform ko. Dahil sa pagkakamali ng iba, nag-away kami.
Lumalim ang away. Bumalik ang anino ng nakaraan. Nakakainis mang isipin pero laging bumabalik ang kahapon sa kasalukuyan.
Dahil sa pag-aaway na ito, nasabi saken ni Lola na wala naman siyang kasalanan sa mga ginawa sakeng kasalanan ng sarili kong kapamilya. Kung tutuusin, siya pa nga ang nagligtas at nagsalba at tumulong sa akin mula sa mga pagkalugmok na iyon.
Doon ko na-realize na tama nga naman siya. Si Lola, sa lahat ng tao, ang pinaka-nagmamahal ng tapat sa akin, pinaka-nag-aruga sa akin, pinaka-nagtitiwala sa akin.
Katulad ng pagpapagawa niya ng uniform saken, sabi nga niya, “alam kong hindi mo hiningi ang bagong uniform, ang sakin lang, syempre gusto ko na maganda din ang suot mo.”
Habang umiiyak ako sa kwarto ko, naisip ko ang mga bagay na ito. Minsan hindi natin napapansin ang ibig sabihin ng mga simpleng kilos ng mga taong nakapaligid sa atin. Maaaring napapansin natin ito, pero hindi natin ito nabibigyan ng tamang kahulugan.
Dito sa pagkakataong ito, napatunayan kong muli kung gano katindi ang pagmamahal sa akin ng Lola ko. Ang pagmamahal na iyon, na hindi ko dapat sayangin. Ang pagmamahal na iyon, na dapat kong suklian.
May dalawang klase ng makasalanan sa mundong ito, yung makasalanan na naghuhumiyaw sa pagsisisi at yung mga makasalanan na nagmamalinis.
Alin ka sa dalawa?
Ah, sabagay, sagutin mo man yan o hindi. Iisa rin lang naman ang ibig sabihin hindi ba? nagkaroon ka ng pagkakasala.
-Cruel Love (Koreanovela)