Conflicts are good source of enlightenment. It gives us a chance to know the real feelings of the other party.
Kanina, nag-away kami ni Lola dahil sa di gaanonong kagandahan na pagkakatahi ng modista sa blouse uniform ko. Dahil sa pagkakamali ng iba, nag-away kami.
Lumalim ang away. Bumalik ang anino ng nakaraan. Nakakainis mang isipin pero laging bumabalik ang kahapon sa kasalukuyan.
Dahil sa pag-aaway na ito, nasabi saken ni Lola na wala naman siyang kasalanan sa mga ginawa sakeng kasalanan ng sarili kong kapamilya. Kung tutuusin, siya pa nga ang nagligtas at nagsalba at tumulong sa akin mula sa mga pagkalugmok na iyon.
Doon ko na-realize na tama nga naman siya. Si Lola, sa lahat ng tao, ang pinaka-nagmamahal ng tapat sa akin, pinaka-nag-aruga sa akin, pinaka-nagtitiwala sa akin.
Katulad ng pagpapagawa niya ng uniform saken, sabi nga niya, “alam kong hindi mo hiningi ang bagong uniform, ang sakin lang, syempre gusto ko na maganda din ang suot mo.”
Habang umiiyak ako sa kwarto ko, naisip ko ang mga bagay na ito. Minsan hindi natin napapansin ang ibig sabihin ng mga simpleng kilos ng mga taong nakapaligid sa atin. Maaaring napapansin natin ito, pero hindi natin ito nabibigyan ng tamang kahulugan.
Dito sa pagkakataong ito, napatunayan kong muli kung gano katindi ang pagmamahal sa akin ng Lola ko. Ang pagmamahal na iyon, na hindi ko dapat sayangin. Ang pagmamahal na iyon, na dapat kong suklian.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.